Thursday, July 11, 2013

Ang Aming Customers

Welcome back po sa blog ng Lugaw Station!
from left to right: Kuya Bert, Andre, Kuya Jun

Medyo mahina pa po ang dating ng mga tao, pero may mga customers na po kami na masasabi namin na nawiwili sa pagpunta sa aming lugawan. :)
Isa sa mga nagustuhan ko sa pagkakaroon ng lugawan ay nakakahalubilo mo ang iba't ibang klaseng tao. May mga sabik sa kausap na talagang kakausapin ka ng walang tigil habang kumakain. Meron naman na kumakain ng siomai at binubuhay ang lugawan namin sa kanilang masayang kuwento, tawa, at bisi-bisita sa aking magulong kusina.

Sa aming mga loyal customers, maraming salamat po sa inyo at dinadaanan niyo po at tinatangkilik ang luto namin. :)

Bisitahin niyo rin po ang aming facebook page para may updates po kayo mula sa amin. 

No comments:

Post a Comment