Sunday, July 7, 2013

Lugaw Station: Ang Simula

Welcome Back po sa website ng Lugaw Station!

Ngayon po ay ikukuwento namin kung paano nagsimula ang aming maliit na lugawan dito sa kanto ng Fort-Taal!


Nagbukas po ang Lugaw Station kamakailan lang nung June 4, 2013. Simple pa lamang po ang inihahanda namin sa mga bumibisita, at iyon ay ang aming masarap na lugaw. Maliit pa kasi ang puhunan namin kaya sa lugaw muna kami nagumpisa.  Nag-tanong tanong pa kami ng mga tips sa mga kakilala namin, at kasama na dito si Mr. FoodTrip!

Maraming trial and error ang aming lugaw. Kung ano-ano ang ginawa namin hanggang sa makuha namin ang tamang timpla. Nakakahiya mang sabihin, pero ang unang dalawang araw namin sa lugawan ay medyo di ko maipagmamalaki. Sa tulong ng mga nakausap namin at ni Direk Rei, nakaisip ako ng mga puwedeing idagdag sa lugaw para bumango at sumarap ito!

Sa ngayon, maipagmamalaki ko na ang aming lugaw ay masasabi nang masarap at malasa! Kung kayo po ay nadaan dito sa Bago Bantay, bisita lang po kayo at kayo po ay aasikasuhin namin na para kayong bumibisitang kamag-anak. :)

No comments:

Post a Comment