Kamusta po? Salamat at bumalik kayo sa aking webpage. Simula ng ginawa ko ito eh pinapanalangin ko na maraming tumangkilik sa aking lugawan para siyempre mabigyan ko kayo ng mas maraming pagpipilian para sa inyong almusal or miryenda. :)
At dahil may website na, siyempre gusto ko makita kung ano ang "ranking" ng aking blogsite sa internet. Kaya nag-search ako ng Lugaw Station. Laking gulat ko nung makita ko na may Lugaw Station business talaga pero sa cart! Napaisip ako ngayon!
Yung mga bumibisita ba sa blog site ko ay iniisip na magkukuwento ako tungkol dito sa lugaw-in-a-cart???
Sa mga nagtataka, ang pagkakaiba po namin ay: ang aming lugaw ay ginagawa at binebenta sa isang garahe, wala po sa cart. :)
Kaya kung gusto niyo kumain ng lugaw, puwedeng puwede kayong pumasok sa loob, umupo, maki-chika, at tumambay muna.
Halina kayo! Punta kayo at makakain kayo ng masarap na lugaw at serbisyong taos sa puso.
Hehehe, naks, drama no?
Basta! Punta na! Tara na!
No comments:
Post a Comment