Sunday, July 7, 2013

Welcome Po Sa Lugaw Station!

Kamusta po? Malugod namin kayong inaanyayahan na dumaan, bumisita, at (siyempre!) kumain dito sa aming munting kaninan sa Fort-Taal!


Sa mga nakakakilala sa amin sa Bago Bantay, marahil kayo ay magtatanong bakit ngayon lang namin napagisipang buksan ang aming garahe para maging kainan?

Simple lamang po ang aming kasagutan.  An inyong abang lingkod ay mahilig magluto. At isa sa mga pinapangarap ko ay ang magkaroon ng sariling restaurant pagdating ng panahon. Sana ito na ang simula!

Sa ngayon simple lang naman ang aming ihahanda sa inyo. L
ugaw lamang at pritong siomai sa buong araw, at may miryenda din sa hapon. Ang mga miryenda namin ay:

  • Pancit Canton
  • Pancit Bihon
  • Miki-Bihon
  • Carbonara
  • Spaghetti
May iba po ba kayong isip na miryenda? Maglagay lang po kayo ng comment sa baba at gagawin po namin ang aming makakaya para mapagbigyan ang gusto niyo!

Kung may oras po kayo, tara na at daanan niyo kami dito sa Fort-Taal!


No comments:

Post a Comment