Friday, July 19, 2013

Maliit Na Simula

Kamusta po? Salamat po at bumalik kayo o napadaan dito sa blog ng Lugaw Station. :)


Sa ngayon po, maliit pa lang ang hinahanda ko para sa mga pumumunta sa lugawan namin para kumain.  Maliit na simula pa lamang ito at pinapanalangin namin na sana eh lumaki itong lugawan namin.

Karampot na puhunan lamang ang nasa amin, na galing sa sarili kong pawis galing sa call center. :) Oo, naging call center agent ako, pero hindi nagustuhan ng aking Meniere's Disease ang puyat, pagod, at stress. Ang kinatutuwa ko, meron akong mga customer na tinulungan ako nung unang dalawang linggo.

Ngayon lagpas na po ng isang buwan ang aming lugawan.  Nakakatuwang isipin na sa isang maliit na simula ay unti-unting lumalaki ang aking lugawan. Medyo mabagal sa aking inaasahan, pero nakakatuwang isipin na kahit papaano ay may nakikita akong pagbabago sa aking munting kainan.

Sana po ay mag-tuloy-tuloy na.

Kung mapapadaan po kayo dito sa amin sa Bago Bantay, sumadya po kayo at magmiryenda. :)

No comments:

Post a Comment